Mga Palatuntunin sa Paggamit

MGA PALATUNTUNIN SA PAGGAMIT

Huling inayos noong Hunyo 28th, 2021

Ver en Español

English Version

 

KASUNDUAN SA MGA PALATUNTUNIN

 

Ang mga Palatuntunin na ito ay bumubuo ng isang ligal na kasunduan sa pagitang mo, mapa-personal man o sa ngalan ng isang entity (“ikaw”) at Lendami Philippines, Inc. (“Kumpanya”, “kami”, “ating”, o “aming”), tungkol sa iyong pag-akses at sa paggamit ng website na www.lendami.com.ph at mga kaugnay na serbisyo, pati na rin ang iba pang uri ng media, media channel, mobile website, o mobile application na siyang kaugnay, kadugtong, o kung hindi ‘man, ay siyang nakakonekta dito (sa pangkabuuan, ang “Site”). Sumasang ayon ka na sa iyong pag-akses ng Site, ay iyong nabasa, naintindahan, at ikaw ay sumang-ayon na ikaw ay saklaw ng lahat ng Palatuntuning ito. KUNG HINDI KAYO SANG-AYON SA LAHAT NG MGA PALATUNTUNIN SA PAGGAMIT NA ITO, ITO AY ISANG PAG-UNAWA NA BAWAL NINYONG GAMITIN ANG SITE, AT SIYANG DAPAT ITIGIL ANG NASABING PAGGAMIT, KUNG SAKALI ‘MAN.

 

Ang mga karagdagang Palatuntunin at Kondisyon, o mga dokumentao na maaring mai-paskil sa Site mula oras-oras ay malinaw na isinasama dito sa pamamagitan ng sanggunian. Inirereserba namin ang karapatan, sa aming pansariling panghuhusga, na gumawa ng mga pagbabago o modipikasyong sa mga Palatuntuning ito anumang oras at para sa kung anumang kadahilanan. Bibigyan namin kayo ng notipikasyon sa mga nasabing pagbabago sa pamamagitan ng pagsasa-ayos or pag-update sa petsa ng “Last Updated” sa mga Palatuntunin sa Paggamit. Bukod dito, sumasang-ayon kayo na bitawan ang anumang karaptang makatanggap ng espesiyal na paunawa sa bawat naturang pagbabago. Responsibilidad mo’ng suriin nang pana-panahon ang mga Palatuntunin sa Paggamit na ito upang ika’y manatiling impormado sa kung ano mang pagbabago. Ang patuloy na paggamit ng Site pagkatapos ng petsa ng naturang pagbabago ay isang pag-unawa mula sa inyo na alam niyo at napapasailalim kayo sa mga nasabing pagbabago sa mga Palatuntunin sa Paggamit.

 

Ang impormasyong ibinigay sa Site ay hindi nakalaan para sa pamamahagi o sa paggamit ng kung sino man’g tao o grupo sa kahit saang hurisdiksyon o bansa kung saan ang nasabing pamamahagi o paggamit ay labag sa batas o regulasyon, o di kaya ay magpapasailalim sa amin sa isang sitwasyon kung saan kinakailangan naming magrehistro sa nasabing hurisdiksyon o bansa. Alinsunod dito, ang paggamit ng ibang tao sa Site mula sa ibang lugar o lokasyon ay ginagawa ito sa kanilang sariling pagkukusa at mayroon silang kaakibat na resposibilidad sa pagsunod sa mga naangkop na lokal na batas.

 

Nakalaan lamang ang Site para sa mga gumagamit na nasa wastong edad at kapasidad sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

 

SUMUSUOM KAMI NG IMPORMASYON AT SOFTWARE, AT HINDI KAMI MAAARING MAGBIGAY NG OPNYONG LIGAL, OPINYON, O REKOMENDASYON. HINDI KAMI ISANG LAW FIRM AT HINDI RIN KAMI MGA KAPALIT NG MGA ABUGADO. SINUSURI NAMING BAGO ANG AMING USURY INFORMATION, NGUNIT DAPAT KAYONG SUMANGGUNI SA LOKAL NA ABOGADO O KONTADOR PARA SA MGA SPESIPIKONG BAGAY NA KAUGNAY SA INYONG MGA MUNGKAHI.

 

SERBISYONG ADMINISTRATIBO

Sumasang-ayon ka at umuunawa na nagbibigay lamang kami ng mga serbisyong administratibo at hindi kami nagpapautang o broker. Sumasang-ayon ka na umaasa ka iyong pansariling paguhuhsga at pagsasaliksik, na malaya mula sa anumang komunikasyon o impormasyyon mula sa amin sa inyong pagpapasyang magpahiram o manghiram ng pera, at sa anumang mga termong partikular sa inyong pangangailangan at sitwasyong pampinansyal.

 

MGA BAYAD AT ACH TRANSFERS

Naniningil kami ng kabayaran sa bawat transaksyon para sa bawat paglabas ng pera sa halagang 2.5% ng nailabas na halaga. Lahat ng pautang ay  ipinapadala ng diretso mula sa bank account ng nanghihiram patungo sa bank account ng nagpapahiram. Ang nasabing kabayaran ay idadagdag sa bawat pautang, at sa halaga ng bawat kabayaran, na silang ipapadala sa amin. Sa pamamagitan nito ay sumasang-ayon ka na ang mga nasabing bayarin ay hindi maibabalik o maire-refund, liban na lamang kung ito ay naaangkop ayon sa batas. Ikaw ay responsable para sa lahat ng kabayaran ng buwis (maliban sa nakabatay sa aming kita), kasama na rin, ngunit hindi limitado sa, buwis sa pagbebenta (“sales tax”), buwis sa kita (“income tax”), buwis ng stamp ng dokumento (“DST”), value added tax (“VAT”), at iba pang mga buwis at singil ng gobyerno, nasyonal man o lokal, pati na rin ang lahat ng mga singil na nauugnay sa iyong paggamit ng Site. Sa pagtanggap nitong mga Palatuntuning ito, sumasang-ayon ka na magbukas ng “Eon Platform” na account mula sa UnionBank, at tinatanggap mo ang mga Palatuntunin ng Serbisyo at Patakaran ng Pribasiya ng Eon. Ang anumang pondo na nasa loob ng Eon account ay hawak ng mga institusyong pampinansyal na kasosyo nito, na siyang nakalathala sa Palatuntunin ng Serbisyo ng Eon. Pinahihintulutan mo kami na kolektahin at ibahagi sa Eon ang iyong personal na importmasyon, kabilang na ang iyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, ID pisikal na address, email address at impormasyong pampinansyal, at ikaw ay responsable para sa kawastuhan at pagkakumpleto ng mga nasabing datos. Nauunawaan mo na maa-access mo at pamamahalaan ang iyong Eon account sa pamamagitan ng maming aplikasyon, at ang mga notipikasyon ng Eon ay manggagaling sa amin, hindi mula sa Eon. Magbibigay kami ng suporta para sa paggamit mo ng Eon account mo, at maari kaming maabot sa https://www.lendami.com.ph, [email protected].ph , o sa +63 888 888 8888. IKAW AY KLARONG SUMASANG-AYON SA PAGGAMIT NG AUTOMATED CLEARING HOUSE (ACH) UPANG MAG-TRANSFER NG PONDO MULA AT PAPUNTA SA IYONG MGA ACCOUNT SA BANGKO.

 

KARAPATAN SA INTELLECTUAL PROPERTY

Maliban na lamang kung ipinapahiwatig, ang Site ay aming pagmamay-ari, at lahat ng source code, database, pagpapa-gana, software, disenyo ng website, audio, bidyo, teksto, imahe, at grapika sa Site (sa pangkabuuan, ang mga “Nilalaman”) at ang mga trademark, service mark, at logo na nakapaloob dito (ang mga “Marka”) ay pagmamay-ari at nasa kontrol namin o lisensyado sa amin, at protektado ng mga batas sa copyright at trademark, at iba pang intellectual property rights at mga batas sa unfair competition ng Pilipinas, ng ibang bansa, at ng mga kombensiyong internasyonal. Ang mga Nilalaman at mga Marka ay nasa Site  “AS IS”  para sa inyong impormasyon at pansariling gamit lamang. Maliban kung ito’y malinaw na nakalthala sa Palituntunin ng Paggamit, walang parte ng Site, at wala sa mga Nilalaman or Marka ang maaring kopyahin, muling gawin, ipagsama, muling ipublish, ma-post, maipakita sa publiko, ma-encode, isalin, ipadala, ipamahagi, ibenta, lisensyado o kung hindi ‘man, ay pagsamantalahan para sa anumang layuning pangkalakalan, nang walang nakasulat at malinaw na pahintulot mula sa amin.

 

Sa kondisyong ikaw ay kwalipikadong gumamit ng Site, ikaw ay binibigyan ng limitadong lisensya upang ma-akses, gamitin ito, at i-download o i-imprenta ang kopya ng kahit anong bahagi sa mga Nilalaman kung saan meron kang akses para lamang sa iyong personal at hindi pang-komersong gamit. Inirereserba namin ang lahat ng mga karapatang hindi malinaw na ibinagay sa iyo patungkol sa Site, sa mga Nilalaman, at sa mga Marka.

 

MGA REPRESENTASYON NG MGA GUMAGAMIT

Sa pamamagitan ng paggamit ng Site, iyong kinakatawan at ginagarantiyahan na (1) wala ka sa komersyal na negosyo ng pagpapautang ng pera; (2) mayroon kang ligal na kakayahan at sumasang-ayon kang sumunod mga Tuntunin sa Paggamit na ito; (3) ikaw ay nasa wastong edad na 18; (4) na hindi ka minor de edad sa hurisdiksyon kung saan ka naninirahan; (5) hindi mo maa-access ang Site sa pamamagitan ng awtmatiko o hindi pantao na pamamaraan, maging sa pamamagitan ng isang bot, script, o kung ano pa mang katulad na paraan; (6) hindi mo gagamitin ang Site para sa kahit anong illegal o hindi awtorisadong layunin; at (7) ang iyong paggamit ng Site ay hindi lalabag sa anumang naaangkop na batas o regulasyon.

 

Sakaling magbigay ka ng anumang impormasyon na hindi totoo, hindi tumpak, hindi pangkasulukuyan, o hindi kumpleto, may karapatan kaming suspindihin o wakasan ang iyong account at tanggihan ang anumang at lahat ng kasalukuyan o hinaharap na paggamit sa Site (o anumang bahagi nito).

 

BAWAL NA GAWAIN

Hindi mo maaaring ma-access o gamitin ang Site para sa anumang layunin maliban sa kung saan namin pinahintulutang magamit ang Site. Hindi pwede gamitin ang Site kaugnay sa anumang mga pagsusumikap sa komersyo maliban sa mga partikular na naindorso o naaprubahan namin.

 

Bilang isang gumagamit ng Site, sumasang-ayon ka na huwag:

  1. Gamitin ang Site para sa ibang layunin, maliban na lang sa personal na pautang, kasama ngunit hindi limitado sa mga kmersyal na pautan.
  2. Gumawa ng anumang hindi awtorisadong paggmit ng Site, kasama ang pagkolkta ng mga username at / o email addresses ng ibang mga gumagamit, sa pamamagitan ng elektronik o ibang paraan, para sa layunin ng pagpapadala ng hindi hinihinging email, o sa paggawa ng mga akownt gamit ang awtomatikong paraan o sa ilalim ng maling pagpapanggap.
  3. Mag-salisi, hindi paganahin, o makagambala sa mga tampok na nauugnay sa seguridad ng Site, kasama ang mga tampok na pumipigil o naghihigpit sa paggamit o pagkopya ng anumang Nilalaman o  nagpapatupad ng mga limitasyon sa paggamit ng Site at / o ng bahagi ng Nilalaman na kasama dito.
  4. Gamitin sa hindi wastong pamamaraan ang aming mga serbisyong pang-suporta o ang pag-sumite ng mga maling ulat ng pang-aabuso o maling gawain.
  5. Sumali sa anumang awtomatikong paggamit ng sistema, tulad ng paggamit ng mga script para magpadala ng mga komento o mensahe, o ang paggamit ng kahit anong data mining, robot, o mga katulad na kagamitan sa pangangalap ng datos.
  6. Makagambala, guluhin, o lumikha ng isang hindi labis na pasanin sa Site o sa mga network o mga serbisyo na konektado sa
  7. Pagtatangka na gayahin ang ibang gumagamit na tao o gamitin ang username ng ibang gumagamit.
  8. Ibenta, o kung hindi man, ay ilipat ang iyong profile sa iba.
  9. Gumamit ng anumang impormasyon na nakuha sa Site upang mang-gulo, mang-abuso, o makapinsala ng ibang tao.
  10. Gamitin ang Site bilang bahagi ng anumang pagsisikap na makipag kumpetensya sa amin, o kung hindi man, ay gamitin ang Site at / o ang Nilalaman para sa anumang pagsisikap na bumuo ng kita o komersyal na negosyo.
  11. I-decipher, decompile, dissassemble, o i-reverse engineer ang alinmang software na bumubuo, o sa anumang paraan, ay parte ng
  12. Tangkaing i-bypass ang anumang mga hakbang sa Site na siyang idinisenyo upang maiwasan o mapigilan ang pag-access sa Site, o anumang bahagi nito.
  13. Guluhin, inisin, takutin, o magbanta sa aming mga empleyado o ahente na tumutulong sa pagbibigay ng anumang bahagi ng Site sa inyo.
  14. Tanggalin ang copyright o iba pang-abiso sa mga karapatang naka-ukol sa pagmamay-ari mula sa anumang Nilalaman.
  15. Kopyahin o iakma ang software ng Site, kasama na rin, ngunit hindi limitado sa Flash, PHP, HTML, JavaSCript, o iba pang
  16. Mag-upload o magpadala (opagtatangkang mag-upload o magpadala) ng mga virus, Trojan horse, o iba pang materyal, kabilang ang labis na paggamit ng malalaking letra at pag-spam (o ang patuloy na pag-paskil ng paulit-ulit na teksto), na siyang nakakaabala sa hindi nagagambalang paggamit at kasiyahan ng anumang partido ng Site, o ang pagbago, pagpinsala, paggambala, o pangangambala sa paggamit, sa mga tampok nito, sa sa pagpapa-andar, sa pagpapatakbo, o sa pagpapanatili ng Site.
  17. Mag-upload o magpadala (o ang pagtatangkang mag-upload o magpadala) ng anumang materyal na gumaganap bilang isang pasibo o aktibong koleksyon ng impormasyon, o mekanismo ng paghahatid nito, kabilang at walang limitasyon, ang malinaw na clear graphics interchange na format (“gifs“), 1×1 pixel, web bugs, cookies, at iba pang katulad na aparato (na kung minsan ay tinutukoy bilang “spyware“ o passive collection mechanisms o “pcms”)
  18. Maliban sa maaaring resulta ng karaniwang search engine o paggamit sa browser ng Internet, paggamit, paglunsad, pagbuo, o pamamahagi ng anumang awtomatikong sistema, kabilang, ngunit hindi limitado sa, anumang spider, robot, cheat utility, scraper, o offline reader na nakaka-access sa Site, o paggamit o paglulunsad ng anumang hindi pinahihintulutang script o iba pang software.
  19. Pagpapahamak, pagdungis, o kung hindi man, ay ang pagpapasama, sa aming palagay, sa amin at / o sa
  20. Paggamit ng Site sa paraang hindi naaayon sa anumang naaangkop na mga batas o regulasyon.

 

MGA PAGSUSUMITE

Kinikilala at sinasang-ayunan mo na ang anumang mga katanungan, puna, mungkahi, ideya, po iba pang impormasyong tungkol sa Site (“Mga Pagsusumite”) na ibinigay mo sa amin ay hindi kumpedensyal at magiging parte na ng aming pag-aari. Magmamay-ari kami ng mga ekslusibong karapatan, kabilang na ang lahat ng mga karapatasa intelektual na pag-aari, at may karapatan kamisa walang limitasyong paggamit at pagpapalaganap ng mga Pagusumite na ito para sa anumang gamit na naaayon sa batas, komerso, at iba pa, nang walang pagkilala mula o kabayaran sa iyo. Sa pamamagiyan nito ay binibitawan mo lahat ng iyong karapatang moral sa anumang bahagi ng mga Pagsusumite, at sa pamamagitan nito ay ginagarantiya mo na ang PAgsusumite ay orihinal na nasa iyo o di kaya ay mayroon kang karapatang ibigay ang mga nasabing Pagsusumite.Sumasang-ayon ka na hindi magkakaroon ng reklamo laban sa amin para sa anumang panghihinala o tunay na paglabag o maling paggamit ng anumang karapatan sa pagmamay-ari sa mga kasama ng iyong Pagsusumite.

 

THIRD-PARTY WEBSITES AT MGA NILALAMAN

Maaring maglaman ang Site (o maari kang padalhan gamit ang Site) ng mga link / website papunta sa ibang website  (“Third Party Websites”), pati na rin ang mga artikulo, litrato, tekto, graphics, larawan, disenyo, musika, tunog, video, impormasyon, aplikasyon, software, at iba pang nilalaman o item na kabilang o namula sa mga third party (“Mga Gawang Third Party”). Ang nasambing mga Third Party Websites at Mga Gawang Third Party ay hindi namin iimbestigahan, susubaybayan, o susuriin para sa kawastuhan, pagka-angkop, o pagka-kumpleto, at kami ay hindi responsable para sa anumang mga Third Party Websites na napasok sa pamamagitan ng Site, o anumang Gawang Third Party na nai-post sa, magagamit sa pamamagitan ng, o naka-install mula, sa Site, kasama na ang mga nilalaman, kawastuhan, pagka-opensibo, opnyon, relayabilidad, mga pribadong polsiya, o iba pang mga patakaran  ng o nilalaman sa mga Third Party Websites o mga Gawan Third Party. Ang pagsasama ng, pag-uugnay sa, o pagpapahintulot sa paggamit o pag-install ng anumang mga Third Party Website o mga Gawang Third Party ay hindi kailangan ng permiso o endorso namin. Kung magpapasya kang iwanan ang Site at buksan ang mga Third Party Website o gumamit o i-install ang anumang Gawang Third Party, ay ginagawa mo ito ayon sa iyong sariling peligro, at dapat ka magkaroon ng kamalayan na ang mga Palatuntuning ito ay hindi na sumasaklay namamahala sa mga gagawin mo.

 

Dapat mong suriin ang naangkop na mga tuntunin at patakaran, kasama na ang mga kasanaya sa pakolekta ng mga impormasyong pribado at mga datos, ng anumang website kung saan ka pumupunta mula sa Site o patungkol sa anumang apliasyyon na iyong ginagamit o mula sa Site. Anumang bilhin ninyo mula sa mga Third Party Websites ay mula sa ibang website at sa ibang kumpanya, at kami ay walang responsibilidad para sa mga nasabing bilihin na silang ekslusibo lamang sa pagitan ninyo ng naaangkop na third party. Sumasang-ayon ka at kinikilala mo na hindi naman sinusuportahan ang mga produkto o serbisyong inaalok sa mga Third Party Websites, at hindi mo kami papanagutin para sa anumang kasamaang dulot ng iyong pagbili ng mga nasabing produkto o serbisyo. Bilang kagadagan, hindi mo rin isisisi o ipapanagot sa amin ang pinsalang dulot sa iyo mula sa anumang Gawang Third Party o mula sa anumang pakikipag-ugnay sa mga Third Party Website.

 

MANG-EENDORSO (“ADVERTISERS”)

Pinapayagan naming ipakita ng mga mang-eendorse ang kanilang mga ad at iba pang impormasyon sa ilang mga lugar sa Site, tulad ng mga ad sa sidebar o mga ad sa banner. Kung ikaw ay isang nag-eendorso, ikaw ay mayroong resposibilidad para sa mga ad na iyong inilalagay sa Site, at sa anumang serbisyong inilagay sa Site, o mga produktong ibenta gamit ang mga nasabing ad. Dagdag dito, bilang isang tagapag-endorso, ginagarantiyahan at kinakatawan mo na nagtataglay ka ng lahat ng mga karapatan at awtoridad na maglagay ng mga ad sa Site, kasama ang, ngunit hindi limitado sa, mga karapatan sa intelektwal na pag-aari, mga karapatan sa publisidad, at mga karapatan sa kontrata. Nagbibigay lamang kami ng puwang upang mailagay ang mga nasabing ad, at wala kaming ibang relasyon sa mga nag-eendorso.

 

PAMAMAHALA NG SITE

Nakalaan sa aming ang karapatan, ngunit hindi ang obligasyon, na: (1) i-monitor ang mga paglabag sa mga Palatuntuning ito; (2) gumamit ng aksyong ligal laban sa kung sino man na, sa aming palagay, ay lumalabag sa batas at sa mga Palatuntuning ito, kasama ngunit hindi limitado sa, pag-uulat ng nasabing tao sa mga awtoridad; (3) batay sa aming paghuhusga na hindi limitado, ang pagtanggi, paghigpit, pag-limita ang pagkakaroon ng, o ang di-pagpapagana sa (batay sa lawak na kaya ng teknolohiya) alinmang iyong Kontribusyon o anumang bahagi nito; (4) sa aming sariling paghuhusga at walang limitasyon, abiso, o pananagutan, na alisin mula sa Site o kung hindi man, ay hindi paganahin ang lahat ng mga dokumento o kontento na maaaring sobra sa laki o sa anumang paraang ay mabigay sa aming mga sistema; at (5) kung hindi man, ay pamahalaan ang Site sa isang paraang na idinesenyo upang protektagan ang aming mga karapatan at pag-aari, at upang mapabilis ang wastong paggana ng Site.

 

PATAKARAN PARA SA PRIBASIYA

Pinapahalagahan namin ang inyong pribasiya sa inyong datos at sa seguridad nito. Mangyaring surrin lamang ang aming mga Patakaran sa Pribasiya dito: https://lendami.com.ph/privacy. Sa pamamagitan ng paggamit ng Site, sumasang-ayon ka na mabigkis ng aming mga Patakaran sa Pribasiya, na isinasama sa mga Palatuntunin sa Paggamit na ito. Inaabisuhan ka namin na ang Site ay nakatalaga sa Estados Unidos. Kung na-access mo ang Site mula sa European Union, Asya, o anumang ibang rehiyon sa mundo na may mga batas o iba pang mga kailangan patungkol at namamahala sa personal na koleksyon ng datos, paggamit, o pagsisiwalat na naiiba sa mga naangkop na batas sa Estados Unidos, ay inililipat mo ang iyong datos sa Estados Unidos at malinaw na pinahihintulutan mo ang nasabing paglipat upang maproseso sa Estados Unidos. Dagdag dito, hindi kami tumatanggap o nanghihingi ng impormasyon mula sa mga bata o di kiya ibenta ang mga nasabing impormasyon sa mga bata. Samakkatuwid, alinsunod sa US Children’s Online Privacy Protection Act, at sa “Anti-Child Pornography Act of 2009, Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, the Cybercrime Prevention Act of 2012, and Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” ng Republika ng Pilipinas, ay kung makatanggap kami ng aktwal na impormasyon na kahit sinong minor de edad na walang pa sa 18-taong gulang ang siyang nagbigay ng personal na impormasyon sa amin nang walang maipakitang pahintulot ng kanyang mga magulang, tatanggalin namin ang nasabing impormasyon mula sa Site sa mabilis at praktikal na paraan.

 

TAGAL AT HANGGANAN

Ang mga Palatuntuning ito ay manantali na may buong bisa habang ikaw ay gumagamit ng Site. NANG HINDI BINBIBIGYANG LIMITASYON ANG ANO MANG PROBISYON SA MGA PALATUNTUNING ITO, INRERESERBA NAMIN ANG AMING KARAPATAN, SA AMING PANSARILING DISKRESYON KUNG SAAN WALA KAMING IBIBIGAY NA NOTIPIKASYON AT WALA KAMING PANANAGUTAN, NA PAGBAWALAN ANG PAG-AKSES AT PAGGAMIT NG SITE (KASAMA NA ANG PAGHARANG SA IILANG IP ADDRESSES), MULA SA KAHIT SINO AT PARA SA KAHIT ANONG RASON, KASAMA NG WALANG LIMITASYON PARA SA PAGLABAG NG ANUMANG PAGKILALA, WARANTIYA, O KASUNDUAN NA NAKALAGAY SA MGA PALATUNTUNING ITO O SA KAHIT SAANG BATAS O REGULASYON. MAAARI NAMING TAPUSIN ANG IYONG PAGGAMIT O PARTISIPASYON SA SITE, O BURAHIN ANG KAHIT ANONG KONTENTO O IMPORMASYON NA IYONG IPINASKIL SA KAHIT ANONG ORAS, NANG WALANG BABALA, SA AMING PANSARILING DISKRESYON.

 

Kung piliin naming wakasan o suspindihin ang iyong akawnt para sa kahit anong rason, ikaw ay bawal magrehistro o gumawa ng bagong account gamit ang iyong pangalan, peke o hiram na pangalan, o ang pangalan ng kahit sino, kahit na ikaw ay para sa nasabing tao. Bilang karagdagan sa pagtapos o pagsuspinde ng iyong akawnt, inilalaan namin sa aming sarili ang karapatang magsagawa ng naaangkop na ligal na aksyon, kasama ng walang limitasyon ang paggamit ng mga sibil, kriminal, at injunctive na paraan.

 

MODIPIKASYON AT INTERAPSYON

Inilalaan namin ang karapatan na baguhin, ayusin, o tanggalin ang mga nilalaman ng Site sa kahit anong oras at para sa kahit anong rason, sa aming pansariling paghuhusga nang walang abiso. Gayunpaman, wala kaming obligasyon na i-update ang kahit anong impormasyon sa aming Site. Inirereserba din namin ang karapatan na ayusin o tigilin ang lahat o parte ng Site sa kahit anong oras ng walang pahintulot. Hindi kami mananagot sa inyo o sa kahit sinong pang partido para sa kahit anong inayos, pagbabago sa presyo, suspensyon, o pagtigil ng Site.

 

Hindi namin maigagarantiya na ang Site ay magagamit sa lahat ng oras. Maaari kaming makaranas ng hardware, software, o iba pang problema, o di kaya ay kakailanganin naming gumawa ng pagsasayos sa Site, na siyang magreresulta sa mga interapsyon, pagka-delay, o pagkakamali. Inilalaan namin ang karapatang baguhin, i-rebisa, i-update, suspendihin, tigilin, o kung hindi man, ay i-modify ang Site sa kahit anong oras at para sa kahit anong rason nang walang abiso sa iyo. Sumasang-ayon ka na wala kaming pananagutan sa kahit anong kawalan, pinsala, o abala sa iyo buhat ng iyong kawalan ng kakayahang pasukin o gamitin ang Site sa oras ng nasabing downtime o paghinto ng Site. Wala sa mga Palatuntuning ito ang siyang mag-oobliga sa amin na panatilihin at suportahan ang Site, o mag-suplay ng mga pagbabago, abiso, o kahit anong paglabas kaugnay sa dito.

 

NAMAMAHALANG BATAS

Ang mga Palatuntuning ito at ang iyong paggamit ng Site ay pinamamahalaan at binibigyang kahulugan alinsunod sa mga batas ng Republika ng Pilipinas, na siyang angkop sa mga kasunduang nagawa at gagawin sa loob ng Republika ng Pilipinas, nang walang pagsasaalang-alang sa mga konektadong batas ng ibang bansa (“conflict of law principles”).

 

RESOLUSYON SA HINDI PAGAKAKAUNAWAAN

Anumang ligal na aksyon na dala mo o namin (sa pangkalahatan, ang “Mga Partido” at isa-isa, ang isang “Partido”) ay dapat simulan o usigin sa mga korte na matatagpuan sa Makati, at ang mga Partido ay sumasang-ayon dito, at talikdan ang lahat ng depensa buhat sa kawalan ng personal na hurisdiksyon  at forum non conveniens buhat ng lugar at hurisdiksyon ng mga nasabing korte. Ang aplikasyon ng United Nations Convention on Contracts for the International sale of Goods  at ang Uniform Computer Information Transaction Act (UCITA) ay hindi kasama sa mga Palatuntuning ito. Sa anumang kaganapan, hindi dapat magsumla ng anumang habol, aksyon, o pagpapatuloy ang alinmang Partido kaugnay sa Site nang higit isang (1) taon matapos maganap ang sanhi ng aksyon.

 

PAGWAWASTO

Maaaring may mga impormasyon sa Site na naglalaman ng mga error sa typograpiko, kamalian, o mga pagukulang, kasama ang mga paglalarawan, pagpepresto, pagkakaroon, at iba’t ibang impormasyon. Nakalaan sa amin ang karapatang iwasto ang anumang mga pagkakamali, kamalian, o pagkukulang, at ang pagbago o pag-update sa mga impormasyon sa Site ng anumang oras at ng walang paunang abiso.

 

DISCLAIMER

ANG SITE AY NARITO SA ISANG AS-IS AT AS-AVAILABLE BASIS. SUMASANG-AYON KA NA ANG IYONG PAGGAMIT NG SITE AT NG AMING MGA SERBISYO AY NASASA-IYONG PELIGRO. SA PINAKA-BUONG EKSTENTO NG BATAS, UMIILING KAMI SA LAHAT NG WARANTIYA, NAKASULAT MAN O HINDI, NA SILANG KONETADO SA SITE AT SA IYONG PAGGAMIT, KASAMA, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, DI NAKASULAT NA WARANTIYA NG MERKANTILISMO, KAKAYANAN / KAPASIDAD PARA SA ISANG LAYUNIN, AT NON-INFRINGEMENT. HINDI KAMI GUMAGAWA NG MGA WARANTIYA OR REPRESENTASYON UKOL SA AKURASIYA O SA PAGKAKUMPLETO NG MGA NILALAMAN NG SITE O NG MGA NILALAMAN NG ANUMANG WEBSITE NA KONEKTADO SA SITE, AT HINDI KAMI MANANAGOT O RESPONSABLE PARA SA KAHIT ANONG (1) PAGKAKAMALI O MINTIS SA MGA NILALAMAN AT MGA MATERYALES, (2) PERSONAL O PANG-PROPREYIDAD NA PINSALA, NG ANUMANG KLASE, BUHAT NG IYONG PAG-AKSES AT PAGGAMIT SA SITE, (3) KAHIT ANONG DI-AWTORISADONG PAGGAMIT SA O PAGGAMIT NG AMING MGA SECURE SERVERS AT / O ANG LAHAT NG PAMPERSONAL NA IMPORTMASYON AT / O IMPORMASYONG PINANSYAL NA NAKALAGAY DITO, (4) KAHIT ANONG INTERUPSYON O PAGTIGIL NG TRANSMISYON PATUNGO O MULA SA SITE, (5) KAHIT ANONG BUGS, VIRUSES, TROJAN HORSES, O IBA PANG MGA KATULAD NITO NA MAAARING MAIBAHAGI SA O GAMIT ANG SITE NG KUNG SINONG PARTIDO, AT / O (6) KAHIT ANONG MINTIS O OMISYON SA KAHIT ANONG KONTENTO AT MATERYAL O PARA SA KAHIT ANONG KAWALAN O PERWISYO NG ANUMANG URI BILANG RESULTA NG PAGGAMIT NG KAHIT NG KAHIT ANONG NILALAMAN NA INILAGAY, IBINAHAGI, O KUNG DI MAN, AY SIYANG GINAWANG AKSESIBO GAMIT ANG SITE. HINDI NAMIN WINA-WARANTIYA, EDORSO, GARANTIYA, O SINASALO ANG RESPONSIBILIDAD PARA SA KAHIT ANONG PRODUKTO O SERBISYO NA NAKA-PASKIL O INALOK NG KUNG SINO MANG PARTIDO GAMIT ANG SITE, ANG KAHIT ANONG HYPERLINKED WEBSTE, O KAHIT ANONG WEBSITE O MOBILE APPLICATION NA KASAMA SA KAHIT ANONG BANDILA O ANU PA MANG ADBERTISMENT, AT HINDI KAMI MAGIGING PARTIDO O MAGIGING RESPONSABLE SA KAHIT ANONG PAG-MONITOR NG KAHIT ANONG TRANSAKSYON SA PAGITAN MO AT NG NASABING PARTIDO NA NAGBIGAY NG NASABING PRODUKTO O SERBISYO. KALAKIP NG PAGBILI NG PRODUKTO O SERBISYO GAMIT ANG KAHIT ANONG MIDYUM O SA KAHIT SAANG KONTEKSTO, DAPAT GAMITIN MO ANG IYONG PINAKA-MASUSING DISKRESYON AT PAGHUHUKOM, AT IKAW AY DAPAT GUMAMIT NG IYONG PAG-IINGAT KUNG SAAN NAAANGKOP.

 

LIMITASYON SA LAYABILIDAD

HINDI KAILANMAN KAMI O ANG AMING MGA DIREKTOR, EMPLEYADO, O AHENTE, MANANAGOT SAYO O SA KUNG SINO MANG PARTIDO, PARA SA KAHIT ANONG DIREKTA O HINDI DIREKTA, KONSEKWENSYAL, EKSEMPLARYO, INSIDENTAL, ESPESYAL, O PARUSANG DANYOS, KABILANG NA ANG KAWALAN NG KITA (PROFIT AT REVENUE), KAWALAN NG DATOS, O IBA PANG DANYOS MULA SA IYONG PAGGAMIT NG SITE, KAHIT NA KAMI AY NAABISUHAN SA POSIBILIDAD NG MGA NASABING DANYOS. BUKOD SA MGA NAKASULAT DITO, ANG AMING PANANAGUTAN SA IYO PARA SA ANO MANG DAHILAN AT DI ALINTANA ANG URI NG AKSON, AY LAGING LIMITADO SA HALAGA NG IBINAYAD MO, KUNG MERON MAN, SA AMIN SA LOOB NG ANIM (6) NA BUWANG PANAHON BAGO PA ANG DAHILAN NG AKSYON. MAYROONG MGA BATAS NA HINDI PINAPAHINTULUTAN ANG MGA LIMITASYON SA MGA IMPLISITONG WARANTIYA O ANG DI PAGSAMA O LIMITASYON NG IBANG DANYOS. KAPAG ANG MGA BATAS NA TO AY NAUURI SA IYO, ANG IBA O ANG LAHAT NG MGA NASABING DISCLAIMER O LIMITASYON AY MAAARING HINDI NAAANGKOP SA IYO, AT MAAARI RIN NA IKAW MAY MAYROONG MGA KARAGDAGANG KARAPATAN.

 

INDEMNIPIKASYON

Sumasang-ayon ka na ipagtanggol, bayaran, at hindi kami ipahamak, kasama na ang aming mga subsidiyariya, kaakibat, at lahat ng aming mga opisyal, ahente, kasosyo, at empleyado, mula sa kawalan, danyos, layabilidad, kasingilan, o demanda, kasama na rin ang risonableng kabayaran at gastos para sa abogado, na dala ng partido sa labas (third party) o mula sa : (1) paggamit ng Site; (2) paglabag sa mga Palatuntuning ito; (3) anumang paglabag sa iyong mga representasyon at warantiya na nakalagay sa mga Palatuntunin ng Paggamit dito; (4) ang iyong paglabag sa mga karapatan ng isang partido sa labas; (5) o ang anumang lantarang pinsala sa ibang taong gumagamit ng Site na silang konektado sa sayo buhat sa iyong paggamit ng Site. Sa kabila ng mga ito, inirereserba namin ang karapatan, sa iyong gastos, na akuhin ang ekslusibong depensa at kontrol ng mga bagay na siyang kailangan mo upang bayaran kami, at sumasang-ayon ka na makipagtulungan, sa iyong kabayaran, sa aming depensa laban sa mga nasabing paniningil. Gagamitin namin ang mga makatuwirang paraan upang ipaalam sa yo ang kahit anong pagsingil, aksyon, o proseso na napapailalim sa pagbabayad na ito sa oras na magkaroon kami ng kamalayan ukol dito.

 

DATOS NG GUMAGAMIT

Pananatilihin namin na ang ilang mga datos na iyong ipinapadala sa Site para sa pamamahala ng kalagayan ng Site, pati na rin sa mga dayos ukol sa iyong paggamit ng Site. Bagamat nagsasawgawa kami ng regular na rutinaryong pag-backup ng datos, ikaw lang ang may responsibildad para sa lahat ng mga datos na iyong ibinigay o di kaya ay patungkol sa ano mang aktibidad na iyong isinagawa gamit ang Site. Sumasang-ayon ka na wala kaming layabilidad sayo para sa kung ano mang kawalan o korapsyon ng nasabing datos, at binibitawan mo ang anumang karapatan laban sa amin mula sa kawalan o korapsyon ng nasabing datos.

 

MGA ELEKTRONIKONG KOMUNIKASYON, TRANSAKSYON, AT LAGDA

Ang pagbisita sa Site, pagpapadla sa amin ng mga email, at ang pagkumpleto ng mga online forms ay mga uri ng elektronikong komunikasyon. Pumapayag ka na tumanggap ng mga nasabing komunikasyon, at sumasang-ayon ka na ang lahat ng mga kasunduan, abiso, pagsisiwalat, at iba pang komunikasyon na ibinibigay sa iyo sa elektronik na pamamaraan, sa email, at sa Site, ay natutugunan ang mga pangangailangan ligal kung saan kinakailangan na ang nasabing komunikasyon ay nakasulat. IKAW AY SUMASANG-AYON SA PAGGAMIT NG MGA ELEKTRONIKONG LAGDA, KONTRATA, ORDER, AT IBA PANG MGA TALAAN, AT PATI NA RIN ANG ELEKTRONIKONG PAGBIBIGAY NG MGA ABISO, POLISIYA, AT TALAAN NG MGA TRANSAKSYON NA SINIMULAN O TINAPOS NAMIN O SIYANG MULA SA SITE. Alinsunod sa Electronic Commerce Act of 2000, ang integridad at relayabilidad ng anumang elektronikong dokumento o kontrata ay dapat manatili, na siyang magiging katumbas ng isang nakasulat na dokumento sa ilalim ng batas ng Pilipnas. Ang anumang paggamit o paggawa ng isang elektronikong lagda sa isang elektronikong dokumento o kontrata ay katumbas ng iyong lagda sa isang nakasulat na dokumento at ang nasabing paggamit o paggawa ay ipapalagay bilang hangarin mo na primahan o parubahan ang elektronikong dokumento. Ang iyong elektronikong lagda ay di mababago sa kahit anong paraan ng kahit sinong partido, kasama na ang Kumpanya at ang Site. Ikaw ay may pahintulot at kapasidad na tiyakin ang kawastuhan ng iyong elektronikong lagda, at may desisyon sa pagtuloy ng kahit anong transaksyon si Site. Sumasang-ayon ka na sa paglagay ng iyong elektronikong lagda, ito ay katumbas ng iyong paggawa ng elektronikong dokumento para sa layunin ng paggawa ng nasabing dokumento. Ang iyong elektronikong lagda ay palaging mananatiling kompidensyal. Ikaw ay mayroong kapasidad upang aksyunan ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Electronic Commerce Act of 2000 at ang iba pang kaugnay na tuntunin at regulasyon sakaling kailanganin ang isang orihinal na lagda o dokumento, o ang paghatid o pagpapanatili ng mga di-elektronikong talaan, o kabayaran o ang pagbigay ng kredito sa kung anumang paraan maliban sa eletronikong transaksyon.

 

Sa pamamagitan ng pagrehistro o paggamit ng aming mga Serbisyo o Site, ikaw ay nagbibigay pahintulot na makatanggap ng mga komunikasyon (kabilang ang marketing) sa pamamagitan ng text (SMS) na mensage, email, number sa telepono at / o sa selpon (kasama ang awtomatikong pang-dial na kagamitan at / o mga paunang naitalang mga tawag), mga social networks o anumang ibang paraan ng komunikasyon na kayang tanggapin ng iyong aparato (halimbawa, bidyo, atbp.).

 

MGA LIMITASYON SA EKSPORT AT MGA IPINAGBABAWAL NA TRANSAKSYON

Kinikilala at sinasang-ayunan mong hindi ka mag-iimport, eksport, o magre-eksport direkta o indirekta, ng anumang kalakal, kasama na iyong mga produkto na isinasama o ginagamit ang mga Serbisyo, na siyang labag sa mga batas at regulasyon ng anumang angkop na hurisdiksyon. Ginagarantiya mo na hindi ka, o hindi ka kumikilos para sa ibang tao o entity na siyang bawal na makipag-transaksyon sa mga Pilipinong mamamayan, nasyonal, o entities sa ilalim ng batas at regulasyon ng Pilipinas, kasama na, ngunit hindi limitado sa, mga regulasyon inisyu ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry o “DTI”), Kawanihan ng Adwana (Bureau of Customs  o “BOC”) , at Kawanihan ng Imigrasyon (Bureau of Immigration o “BI”). Bilang karagdagan sa lahat ng iba pang mga karapatan at remedyo na magagamit namin sa ilalim ng mga Palatuntuning ito at ng batas at katarungan, ang iyong paglabag sa seksyong ito ay magreresulta sa agarang pagwawakas ng mga Serbisyo o mga halagang datin naibigay, naibayad, at /o inutang sa iyo.

 

MGA GUMAGAMIT AT MGA RESIDENTE NG PILIPINAS

Kapag ang kahit anong reklamo sa amin ay hindi wastong nairesulba, ikaw ay maaaring makipag-ugnayan sa Investigation and Prosecution Division (“IPD”), Enforcement and Investor Protection Department ng Securities and Exchange Commission ng Republika ng Pilipinas, sa pagpapadala ng liham o kasulatan sa Ground Floor, North Wing Hall, Secretariat Building, PICC Complex, Vicente Sotta Street, 1307 Pasay City, o di kaya ay e-mail sa [email protected]. Ikaw rin ay maaaring kumontak sa Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (National Buereau of Investigation o “NBI”) sa numerong (02) 8523-8231 hanggang 38 o sa pamamagitang ng pagpapadala ng kasulatan sa NBI Building, Taft Avenue, Ermita, Manila, Philippines 1000, o di kaya ay email sa [email protected].

 

MISCELLANEOUS

Ang mga Palatuntuning ito at ang anumang polisiya o patakaran sa pagpapatakbo na aming na-paskil sa Site o siyang patungkol sa Site ay bumubuo sa ating pangkalahatang kasunduan at pag-uunawa sa pagitan mo at namin. Ang aming pagkakabigo na gamitin o ipatupad anganumang karapatan o probisyon sa lilalim ng mga Palatuntuning ito ay hindi nangangahulugan ng aming pagwawaksi sa nasabing karapatan o probisyon. Ang mga Palatuntuning ito ay tumatakbo sa pangkabuuang ekstento na siyang posible at maaari sa batas. Kami ay pwedeng magtalaga ng kahit ano o lahat ng aming mga karapatan at obligasyon sa ibang tao sa kahit na anong oras. Hindi kami magigiging responsable o magiging magkakaroon ng pananagutan para sa kaht anong kawalan, pinsala, pagkaantala, o pagkakabigo na kumilos na sanhi ng anumang dahilan na lampas sa aming makatwirang kontrol. Kapag mayroong probisyon o parte ng isang probisyon sa Palatuntuning ito ay aming naitalaga bilang labag sa batas, walang bisa, o hindi maipatupad, ang nasabing probisyon o parte ng probisyon ay itinuturing mahihiwalay mula sa mga Palatuntuning ito at hindi makaka-apekto sa kawastuhan at pagkakatupad ng mga naiwang probisyon. Walang joint venture, pakikipagsosyo, pagkaka-empleyo, o ugnayang pang-ahensya na itinataguyon sa pagitan mo at namin bilang resulta ng mga Palatuntuning ito o ng paggamit sa Site. Sumasang-ayon ka na ang mga Palatuntuning ito ay hindi bibigyang bisa laban sa amin buhat ng aming pagkaka-sulat sa mga ito. Iwinaksi mo ang kahit ano at lahat ng depense na mayroong meron ka mula sa elektronikong pagkakasulat ng mga Palatuntuning ito, at ang kawalan ng pagkaka-lagda ng mga partido dito para sa pagsasagawa ng mga Palatuntuning ito.